Inaasahang mas lalakas pa ang industriya ng construction materials sa Pilipinas dahil sa administritavie order ng iba’t ibang ahensya na ginagawang prayoridad ang pagbili ng materyales na galing mismo sa bansa.
Sa Joint Administrative Order na pinirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Public Works and Highways (DPWH), imunimungkahi nito na kapag may procurement para sa mga gagawing proyekto ang gobyerno ay uunahing ikonsidera ang mga materyales na gawa sa Pilipinas.
Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque, kasama rin dito ang mga LGU, contractors, project developers at private corporations na maengganyong bumili mismo sa Pilipinas.
Ayon naman kay Roque ang JAO ay alinsunod ng Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act o ang RA Number 11981 na layong pataasin pa ang value chain ng mga produktong Pinoy.
Bukod naman sa mga construction materials, posibleng magkaroon din ng iba pang JAO ang iba pang produktong gawa ng mga Pilipino.