Bilang pakikiisa sa panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagpatupad ng “Libreng Overnight Parking” ang San Juan City LGU mula pa kagabi, July 9.
Ito ay bilang bahagi na rin ng mga paghahanda sa pinsalang posibleng idulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinaigting pa ng Bagyong Inday.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ipatutupad ang libreng parking ng mga sasakyan mula ala-7 ng gabi hanggang ala-7 ng umaga.
Dito, libreng makapaparada ng sasakyan nag mga San Juaneño na nakatira sa mga lugar na madalas binabaha sa mga lugar na pagmamay-ari o kontrolado ng lokal na pamahalaan.
Bukas sa publiko ang mga sumusunod na pay parking areas para sa overnight parking:
- City Hall Open Parking (Pinaglabanan Shrine)
- Makabagong San Juan Plaza Open Parking (Agora)
- FilOil Centre Open Parking
- Makabagong San Juan National Government Center Ground Floor Pay Parking
Pagkalipas ng nasabing oras, sinabi ni Zamora na ipagpapatuloy ang regular na singil sa paradahan batay sa umiiral na parking rates para sa mga sasakyang mananatiling naka-park.