Nananatiling nakataas ang BLUE alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang Operations Center.
Ayon sa NDRRMC, layunin nitong patuloy na bantayan ang posibleng epekto ng Bagyong Inday kasabay ng tuloy-tuloy na disaster response kaugnay ng Magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani.
Bagama’t mababa ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo, inaasahan itong lalapit sa pinakahilagang bahagi ng Luzon mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.
Patuloy na inaatasan ang mga regional DRRM council na magsagawa ng mahigpit na monitoring, paghahanda, at pagsusumite ng situational reports upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang magiging epekto ng Bagyo.