Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa soberanya ng Pilipinas ang Batanes Island at hindi sa Taiwan.
Ito ay matapos lumabas sa ilang pahayagan sa Guangdong na ang Batanes ay nakapaloob sa probinsya ng Taiwan.
Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, hindi dapat bigyang-halaga o tugunan ang mga haka-hakang walang batayan.
Gayunpaman, tiyak at hindi na dapat pagtalunan pa ang soberanya ng Pilipinas sa Batanes dahil malinaw na ito ay nakapasok sa teritoryo ng ating bansa.
Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag si Defense Secretary Gibo Teodoro at tinawag itong outlandish narratives at disinformation sa publiko.