Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na maging laging naka-alerto, handa at makinig sa abiso ng mga awtoridad.
Ito’y para masiguro ang kaligtasan ng lahat sa mga inaasahang epekto ng habagat na pinaiigting ng Super Bagyong Inday sa bansa.
Ayon kay PRC Chairperson Richard Gordon, mahalaga ang paghahanda gaya na lamang ng pagkakaroon ng ‘Go Bags’ na madaling dalhin sakaling kailanganing lumikas.
Paalala pa ng Red Cross, dapat patatagin at tiyakin ang seguridad ng mga kabahayan gayundin ng iba pang istruktura.
Anihin na ng maaga ang mga pananim upang maiwasan itong mapinsala at ilikas na rin ang mga alagang hayop sa ligtasa na lugar.
Siguruhin ding maililipat na ang mga kagamitan sa bahay at maghanda ng mga bangka, gamit pang isda gayundin ng iba pang mga makasasagip ng buhay.
Tiyakin ding nasa waterproof na sisidlan ang mga mahahalagang dokumento na bibitbitin sa paglikas gayundin ang mga gamit sa eskwela.
Sa huli, planuhing maigi ang gagawing paglikas at sundin ang payo ng mga awtoridad.