Nagtungo na sa Sandiganbayan ang mga tauahan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kasama ang mga doktor mula sa PNP Health Service.
Ito ang kinumpirma ni PNP Acting Spokesperson, PBGen. Allen Rae Co kaugnay ng manifestation hearing hinggil sa pananatili sa ospital ni Sen. Rodante Marcoleta.
Nabatid na hindi pa rin “fit for travel” si Marcoleta dahil sa health conditions nito sa edad na 72 at mayroon din siyang degenerative disc disease, mild pneumonia at high blood pressure.
Tatalakayin din sa pagdinig ngayong araw ang kustodiya kay Marcoleta dahil nananatili pa rin ito sa police custody habang naka-confine sa PNP General Hospital.
Matatandang inaresto si Marcoleta noong Lunes dahil sa kasong Plunder dahil sa hindi pagdedeklara ng tinanggap nitong Php 75 million na campaign donations.