Umabot na sa mahigit 1.1 milyon ang naitalang foot traffic sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX mula Oktubre 25 hanggang 30, kasabay ng pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas 2026.
Batay sa datos ng PITX, pumalo sa kabuuang 1,124,882 ang foot traffic sa terminal sa loob ng anim na araw.
Pinakamaraming pasahero ang naitala noong Oktubre 26 na may 197,288, sinundan ng Oktubre 30 na may 193,657 at Oktubre 27 na may 189,071.
Samantala, patuloy ding tumataas ang booking ng mga biyahe patungo sa iba’t ibang probinsya.
Batay sa booking status noong Oktubre 30, nanguna ang Bicol Region sa 72.17% na fully booked, kasunod ang Northern Luzon sa 65.21% at Mindoro sa 62.50%.
Nasa 50.54% naman ang booking sa mga biyahe patungong Palawan at 41.35% sa Visayas at Mindanao.
Inaasahang magpapatuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa PITX sa mga susunod na araw hindi lang sa mga hahabol para sa Nobyemre 1 pati na rin sa inaasahang pag-uwi ng mga biyahero. Bago naman tayo unmere ngayon, tinatayang umabot naman sa 70,565 ang foot traffic dito sa terminal as of 11:00 am.