Pinaghahandaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inaasahang pagdami ng mga pasahero sa Metro Manila at iba pang urban areas ngayong Kapaskuhan.
Inatasan ni Acting LTFRB Chairperson Atty. Greg Pua Jr. ang mga regional office na paigtingin ang pagbabantay sa pampublikong transportasyon at kaligtasan ng mga commuter.
Tiniyak ng ahensya na sapat ang bilang ng mga public utility vehicle at ride-hailing services upang matugunan ang inaasahang pagtaas ng demand.
Tututukan din ang mga reklamo kaugnay ng sobrang pamasahe, hindi pagbibigay ng diskuwento at hindi maayos na serbisyo sa mga pasahero.
Pinayuhan din ang mga PUV operator na tiyaking roadworthy ang kanilang mga sasakyan at sumusunod ang mga driver sa umiiral na regulasyon.
Hinikayat ang mga commuter na i-report ang anumang paglabag sa LTFRB hotline 1342 o sa social media accounts ng ahensya.