Umabot sa 961,346 ang nakinabang sa programang Benteng Bigas noong Setyembre, pinakamataas mula nang ilunsad ito noong 2025.
Ayon sa DA, nakabili ang mga ito ng 21.4 milyong kilo ng bigas sa halagang P20 kada kilo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens, solo parents, PWDs, magsasaka, mangingisda at minimum-wage earners.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mahigit 5.6 milyong Pilipino na ang natulungan ng programa mula Enero hanggang Setyembre.
Layunin nitong mapababa ang presyo ng bigas habang nagbibigay rin ng merkado sa mga lokal na magsasaka. Pagsapit ng Disyembre, maaari nang kunin nang isang bagsakan ang 30-kilong buwanang alokasyon ng mga kwalipikadong benepisyaryo.