Dalawang katao ang binawian ng buhay habang apat ang sugatan sa ginanap na St. Clair Festival, ang pinakamalaking Latin street festival sa Toronto, Canada, nitong Sabado.
Kinumpirma ng Toronto Police na anim ang nabaril sa insidente, habang dalawang armas na ang narekober sa tatlong crime scenes na iniimbestigahan ngayon.
Nangyari ang insidente sa gitna ng pagdagsa ng tao, kung saan nagpalitan ng putok ang hindi bababa sa dalawang suspek.
Ayon kay Toronto Police Service Deputy Chief Frank Barredo, umabot sa anim na tao ang tinamaan ng bala, habang kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang ilang nakatakas na suspek.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Toronto Police na kontrolado na ang sitwasyon at wala nang direktang banta sa kaligtasan ng publiko.
(Photo Courtesy:mapbox)