Photo courtesy of Moises Padilla LGU
Umabot sa 42 barangay sa Negros Occidental ang naitalang apektado ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Inday.
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council – Negros Island Region (RDRRMC-NIR), hanggang alas-7:00 ng gabi noong Hulyo 11, mahigit 1,000 pamilya na ang inilikas mula sa mga lungsod at bayan ng Bago, Binalbagan, Hinoba-an, Isabela, La Carlota, La Castellana, Moises Padilla, Pontevedra, San Enrique, at Sipalay.
May mga naitalang pagbaha sa limang barangay sa Pontevedra, tatlong barangay sa Moises Padilla, dalawang barangay sa Isabela, at isang barangay sa La Castellana.
Samantala, limang barangay sa Hinoba-an at isang barangay sa Sipalay ang naapektuhan ng malalakas na hangin.
Agad namang nagpaabot ng tulong ang pamahalaang panlalawigan at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Negros Island Region (NIR) sa mga apektadong komunidad. | ulat ni JP Hervas