NHA
Ipinagkaloob na ng National Housing Authority ang 366 unit ng permanenteng pabahay sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa Villareal, Samar.
Alinsunod sa direktiba ni NHA General Manager Joeben Tai, isinagawa ang ceremonial turnover sa Brgy. Tayad para sa mga benepisyaryong dating nakatira sa mga delikadong lugar at itinalagang “no-build zones”.
Kasabay nito, nilagdaan din ang Deed of Donation and Acceptance at Memorandum of Agreement sa pagitan ng NHA at lokal na pamahalaan ng Villareal.
Iginawad din sa mga benepisyaryo ang kanilang Certificates of Award bilang patunay ng pagmamay-ari sa kanilang bagong tahanan.
Bahagi ang proyekto ng Yolanda Permanent Housing Program na naglalayong mabigyan ng ligtas at permanenteng tirahan ang mga pamilyang naapektuhan ng super typhoon Yolanda. | ulat ni Rey Ferrer