Nakiisa ang Philippine Coast Guard o PCG sa isang multinational Aids to Navigation Recovery Exercise kasama ang United States Coast Guard, Republic of Korea, at Royal Canadian Navy bilang bahagi ng Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise 2026 sa Honolulu, Hawaii noong Hulyo 9.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagrekober at pagpapanumbalik ng mga sirang o nawalang navigational aids upang matiyak ang ligtas ng paglalayag matapos ang kalamidad o insidente sa dagat.
Nakatulong din ang aktibidad sa pagpapahusay ng kasanayan ng mga tauhan ng PCG sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado sa masalimuot na maritime operations.
Pinagtibay rin ng pagsasanay ang kahalagahan ng internasyonal na kooperasyon sa pagpapanatili ng ligtas na mga rutang pandagat at pagsuporta sa humanitarian assistance, disaster response, at maritime safety sa Indo-Pacific region.