Tumaas ang personal at cash remittance mula sa mga Pilipino na nasa ibang bansa ngayong taon.
Batay sa pinakahuling ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa 3.03 billion u.s dollars ang naitalang personal remittances nitong buwan ng May, mas mataas kumpara sa 2.97 billion us dollars noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga personal remiitance ay mga upinadalang persa sa pamamagitan ng bangko at informal channels gayundin ang mga remittance in kind.
Tumaas din Cash at personal remittances mula nitong enero hanggang May.
Pinakarami rito ay mula sa mga land-based Overseas Filipinos na nakapagtala ng 2.17 billion us dollars.
Ang Estados Unidos ang nangungunang bansa na pinagmumulan ng mga padala na nakapagtala ng 39.4% ng kabuuang remittance.
Sinundan ito ng Singapore, Saudu Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada , Qatar, Taiwan at South Korea
Sinabi ng BSP na ipinapakita lamang nito ang patuloy na pagsuporta ng mga Overseas Filipino sa kanilang pamilya, paggasta at pangkahakatang pangangailangan sa tahanan. | ulat ni DK Zarate