Ipinamahagi ng Department of Agriculture, sa pangunguna ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang iba’t ibang makinarya at kagamitan na may kabuuang halaga na mahigit ₱100 million.
Ang mga ito ay tinanggap ng mga magsasaka at mangingisda mula sa limang lalawigan sa Kanlurang Kabisayaan.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang corn mill, combine harvester, delivery van, hauling truck, recirculating dryer, traktor, water pump, at shredder.

Bukod dito, limang fiber-reinforced plastic boat na may kasamang makina at accessories ang ipinagkaloob sa mga mangingisda ng Banate, Iloilo.
Samantala, 13 shellfish grower naman mula sa Dumangas,Iloilo ang nakatanggap ng oyster culture project.
Ang pamamahagi ng mga makinarya at kagamitan ay isinagawa kasabay ng inaugurasyon ng Modernized Rice Processing Center sa Brgy. PD Monfort South, Dumangas, Iloilo.