Naglabas ng proklamasyon ang Malacañang para sa pagdedeklara bilang non-working days sa limang munisipalidad at dalawang siyudad sa bansa.
Sa bisa ng Proclamation No. 1343, idineklara ang July 15, bilang special non-working day sa Calabanga, Camarines Sur, para sa Founding Anniversary nito.
Ang Proclamation No. 1344, deklarasyon ng special non-working day, bukas (July 16), sa Aguilar, Pangasinan, para sa 221st Founding Anniversary ng lugar.
Bukas din (July 16), sa bisa ng Proclamation No. 1345, special non-working day rin sa Del Carmen, Surigao del Norte, para sa pagdiriwang ng Bakhaw Festival.
Habang ang Proclamation No. 1346, nagdedeklara sa July 22, bilang special non-working day sa Mutia, Zamboanga del Norte, bilang pag-alala sa 66th Araw ng Mutia.
Ang Proclamation No. 1347, nagdedeklara ng special non-working day sa Santiago, Isabela sa July 25, para sa selabrasyon ng Aggaw na Naturales Day.
Sa bisa ng Proclamation No. 1348, special non-working day din sa Cabuyao, Laguna sa August 4, para sa 14th Cityhood Anniversary.
Habang sa ilalim ng Proclamation No. 1349, binibigyang-daan ang selebrasyon ng 77th Founding Anniversary ng Labangan, Zamboanga del Sur sa July 20.
Ang hakbang na ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na ipagdiwang ang selebrasyon sa kanilang mga komunidad.