Paghahain ng COC para sa Special Election sa bakanteng posisyon sa Cavite 4th District, sinimulan na
Sinimulan na ng Commission on Elections o COMELEC ang pagtanggap ng Certificate of Candidacy para sa mga nais tumakbo sa August 29 special elections para sa Congressional Seat sa 4th District ng Cavite.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, unang naghain ng COC si dating Dasmarinas City Vice Mayor Rex Mangubat.
Itinakda ang filing ng COC simula ngayong araw hanggang sa July 17.
Matatandaang nagpatawag ang Comelec ng special elections upang punan ang binakanteng pwesto ng pinatalsik na si dating congressman Kiko Barzaga. | ulat ni DK Zarate