Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa itinuturing na suspek ang dalawang Persons of Interest sa kaso ng pagpatay sa American Marine Biologist na si Dr. Kent Carpenter.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Acting PNP Spokesperson, Police Col. Allen Rae Co, nakadepende pa kasi sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) kung ano ang magiging kapalaran ng dalawang POI.
Una rito, inihayag ni SITG Head at Negros Oriental Police Provincial Director, Police Col. Timmar Alam na kanilang inilagay bilang POI ang kinakasama ni Carpenter at kapatid nito.
Ito’y dahil sa ilang impormasyon na kinailangan nilang berpikahin bunsod ng ilang pagbabago sa salaysay ng mga ito.