Pinawi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangambang magkaroon ng leadership vacuum ang nakatakdang pagreretiro ni outgoing Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr.
Ayon ay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, may nakatalag naman na silang sistema lalo na kung wala pang napipili ang kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa sandaling wala pang permanenteng maitatalaga pagsapit ng pagreretiro ni Brawner sa July 21, agad na nagtatalaga muna ng isang Officer-In-Charge.
Paliwanag ni Padilla, hindi maaaring matengga ang operasyon ng AFP bilang isa sa mga pangunahing ahensya na nakatutok sa pambansang seguridad.
Sa kaniyang panig, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad na mananatiling matatag ang Chain of Command sa gabay ng doktrina, rules of engagement, at mga panuntunan sa hanay ng militar.