Nasa 20,000 na Police personnel ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Batasang Pambansa sa darating na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Maj. Hazel Asilo, sa nasabing bilang ay ipapakalat ang mga ito sa iba’t ibang bisinidad ng Kongreso kabilang na rin ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Asilo na may ide-deploy rin na Civil Disturbance Management upang magbantay at makontrol ang anumang pagtatangka ng kilos-protesta ng ilang mga kababayan.
Muli namang siniguro ng NCRPO na patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan para masiguro ang maayos na paglalatag ng seguridad sa SONA ng Pangulo.