Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Umabot na sa 86,337 family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Inday at pinalakas na Habagat.
Ayon sa DSWD, bukod sa food packs, nakapagpaabot na rin ito ng 12,273 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 3,085 non-food items (NFIs) sa mga apektadong komunidad.
Kabilang sa mga nakatanggap ng relief augmentation ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at BARMM.
Samantala, nagpapatuloy rin ang dispatch operations ng relief supplies sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) na ipinapadala sa DSWD Field Offices sa Western Visayas, Central Visayas, at Mindanao para mapanatiling sapat ang suplay ng relief goods sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad.