Nadagdagan pa ang mga benepisyaryo ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng Marcos Administration matapos na gawaran ng titulo ang 44 na pamilya sa Marikina City.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at Social Housing Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa ang pamamahagi ng mga Transfer Certificates of Title (TCTs) sa mga miyembro ng Samahang Magkakapitbahay ng Purok III Homeowners Association Inc. Phase II-A sa Barangay Malanday.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP) ng SHFC, isa sa mga programang muling pinalakas sa ilalim ng Expanded 4PH para matulungan ang mga informal settler families na magkaroon ng seguridad sa paninirahan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo lalo’t mahigit tatlong dekadang pangarap umano ng kanilang komunidad ang magkaroon na ng sariling titulo sa lupang matagal na nilang tinitirhan.
📸 DHSUD

