Nagsimula na muli ang programang Pasko sa Hulyo ng Valenzuela City government para sa mga senior citizen sa lungsod.
Maagang handog ito ng lungsod para sa mahigit 75,000 rehistradong senior citizens bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makatulong na mabawasan ang gastusin ng kanilang mga pamilya.
Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 10-kilong rice gift pack, na ipamamahagi sa iba’t ibang barangay ayon sa itinakdang iskedyul ng lokal na pamahalaan.
Ayon naman sa Valenzuela City Government, bukod sa pagbibigay ng tulong sa mga nakatatanda, naipapakita rin ng programa ang suporta sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng ₱43.4 milyong halaga ng bigas mula sa Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative.

