Personal na ininspeksyon ni Sandiganbayan 3rd Divison Chair Associate Justice Karl Miranda ang New Quezon City Jail–Male Dormitory sa Payatas kung saan nakadetine na si Senador Rodante Marcoleta.
Ito’y matapos iutos ng korte na mailipat na siya ng kustodiya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa PNPGH habang dinidinig ang kasong plunder.
Sa kanyang pag-iinspeksyon sa pasilidad, partikular na sinilip ni Justice Miranda ang kahandaan ng QC Jail na tumanggap ng person deprived of liberty (PDL) na may mga pangangailangang medikal.
Kabilang sa ininspeksyon ang intake area, detention cells, infirmary, at iba pang medical facilities, skills development at education areas, sunning area, classrooms, at ang e-Dalaw facility.
Ayon naman sa BJMP, isang linggo munang mananatili si Marcoleta sa infirmary ng Quezon City Jail–Male Dormitory bago siya ihalo sa general population.