Inaayos na ng National Bureau of Investigation ang listahan ng mga ipapa-subpoena o ipapatawag sa kanilang opisina para sa imbestigasyon hinggil sa 2019 SEA Games.
Hindi na naman pinangalanan ni NBI sino-sino ang mga ipapatawag para sa imbestigasyon pero kabilang sa mag-iimbestiga ang Public Corruption Bureau, Financial Investigation Unit at Special Action Unit.
Ayon naman kay Matibag kabilang sa mga iimbestigahan ng NBI ang nasa higit ₱2 bilyong pisong pondo ng gobyerno ang ipinasok sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na isang foundation o non-government organization na binuo para sa SEA Games.
Dahil pera umano ng gobyerno at ng taumbayan ang ginastos dito ay kinakailangan pa rin itong isailalim sa liquidation at audit.
Kabilang din sa sisilipin sa audit ay ang mga ibinayad sa opisyal, mga biniling uniporme at mga pagkain sa mga atleta partikular na ang kontrobersyal na “kikiam” o chicken longganisa.
Uungkatin din ang mga natanggap na donasyon gaya ng sports equipment at iba pa. | ulat ni Louisa Erispe