Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Aminado si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na malaking kawalan si outgoing AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Teodoro, hindi matatawaran ang naiambag ni Brawner sa pagpapalago ng tiwala at kumpiyansa sa mga counterpart nito sa ibang bansa.
Sinabi pa ng kalihim, na katuwang niya si Gen. Brawner sa paghubog ng kanilang mga istratehiya sa external defense engagement ng Pilipinas lalo’t mainit ang usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Nang tanungin kung may i-aalok na posisyon kay Brawner matapos itong magretiro, sinabi ni Teodoro na kaniya muna itong ilalatag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa hapag ng pag-uusap.