OCD Western Visayas, nagkasa na ng mga paghahanda laban sa El Niño
Nagkasa na ng mga paghahanda ang Office of Civil Defense (OCD) Western Visayas kasunod ng inaasahang epekto ng El Niño.
Ayon kay OCD Western Visayas Regional Director Raul Fernandez, mahigpit na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng mga ipatutupad na programa at interventions kontra El Niño.
Ilang simulations na rin ang tinitingnan ng OCD Western Visayas sa magiging posibleng impact ng El Niño phenomenon sa rehiyon.
Sa ngayon, naka-bantay na ang OCD sa mga anunsiyong ilalabas ng PAGASA upang agad na maikasa ang El Niño interventions.