Alinsunod sa selebrasyon ng 48th National Disability Rights Week, patuloy na tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig City na nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang may kapansanan sa lungsod.
Katunayan, nasa 572 kabataang estudyante ang tumatanggap ng Lifeline Assistance In Need Scholarship Program sa lungsod na makatutulong sa bawat isa na makatapos ng kolehiyo.
Ang siste sa programa, makatatanggap sila ng financial assistance at incentives kada semester basta’t mapanatili ang hinihinging general weighted average.
Naniniwala naman ang Taguig LGU na ang ibinabahaging scholarship ay hindi lang basta tulong kundi puhunan para sa magandang kinabukasan ng lungsod at ng mga kabataan, kahit may kapansanan.