Nagbigay ng update si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa itinatakbo ng paghahanda para sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes (July 24).
Sa ambush interview sa Pampanga, sinabi nito na dahil ang SONA ay ulat ng Pangulo sa taombayan, tungkol sa mga nangyari mula noong nakaraang SONA, sisiguruhin niyang malalaman ng mga Pilipino ang kanilang mga nagawa at ginagawa.
Partikular na binanggit nito ang pagtugon ng administrasyon sa mga hamon mula sa loob at labas ng bansa.
“Our response has been good, and we have had to make adjustments, but those adjustments have been effective and have served their purpose. And I know that it has helped people weather this storm and continue to weather this storm until things hopefully normalize.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa tanong kung tatalakayin rin ba nito ang isyu ng korapsyon na nabanggit sa kaniyang huling SONA, tugon ng panngulo, abangan na lamang ang susunod na kabanata.
Aniya, bagamat tapos na niyang sulatin ang kabuuan ng talumpati, maaari pa rin itong magbago hanggang sa mismong araw ng SONA. “I’m never done. Until one hour before the SONA, I’m still changing it, you know, because, of course, we want it to be perfect. But on the whole, yes, on the whole, I would say the actual language is, we’re just fixing it up and making sure that it’s not too long or too short, that we have everything that we want to talk about already.” —Pangulong Marcos Jr.