Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue (BIR)
Buo ang suporta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa tax reform agenda na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Sa isang pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na handa itong ipatupad ang tax measures sa sandaling maisabatas ang mga kaukulang panukala.
Habang hinihintay ang pag-usad ng mga panukala sa Kongreso, sinabi ng BIR Chief na ipagpapatuloy nito ang taxpayer-centric approach sa pamamagitan ng pinasimpleng tax compliance, at pagrerepaso ng mga proseso at regulasyong hindi na angkop sa kasalukuyang pangangailangan ng mga taxpayer.
Dagdag pa ni Mendoza, patuloy din nilang kokonsultahin ang iba’t ibang stakeholder para matiyak na ang mga reporma at programang ipatutupad ay tumutugon sa aktwal na kalagayan at pangangailangan ng mga nagbabayad ng buwis.