Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng Bagyong Kiyapo at pinalakas na Habagat.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot pa sa higit 1,538 pamilya o katumbas ng 6,441 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa higit 27 evacuation centers.
Bukod pa ito sa halos 800 pamilyang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Katunayan, sumampa na sa ₱33 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng kagawaran sa mga tinamaang residente.
Pangunahin dito ang family food packs na ipinamamahagi sa mga nasalanta lalo na sa mga inilikas na pamilya.