Agad namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) Cordillera Administrative Region (CAR) sa 458 mangingisda mula sa Alfonso Lista at Aguinaldo, Ifugao na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa malawakang fish kill sa Magat Dam dulot ng Super El Niño.
Kabilang sa ipinaabot ng DSWD ang 1,170 family food packs (FFPs) sa mga apektadong pamilya para masiguro na may sapat silang pagkain sa ilang araw.
Bukod dito, nagkaloob din ang lokal na pamahalaan ng Alfonso Lista ng tig-₱3,000 financial assistance sa 90 rehistradong may-ari ng motorboat bilang karagdagang suporta sa kanilang kabuhayan.
Bahagi ito ng whole-of-nation response ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para matiyak ang agarang tulong para sa mga manggagawang naapektuhan.
📸 DSWD

