Umabot na sa 160,495 benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ang nakatanggap ng one-time UPLIFT Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, katumbas na ito ng kabuuang ₱320.99 milyon na naipamahagi hanggang kahapon, July 30.
Kasabay ng buwanang food redemption ng Walang Gutom Program ang pamamahagi ng UPLIFT Assistance sa mga benepisyaryo.
Pinakamarami ang nakinabang sa Zamboanga Peninsula na may 117,213 benepisyaryo, na sinundan ng SOCCSKSARGEN na may 69,429, at Central Visayas na may 54,141 benepisyaryo.
Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order No. 110, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng tulong sa mga mahihirap at iba pang vulnerable sectors na naapektuhan ng patuloy na energy crisis.
📸 DSWD

