Bumaba ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa sa ikalawang bahagi ng Hulyo batay yan sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Kabilang sa mga nagmurang bilihin ang well-milled rice at sariwang karne ng baboy, habang tumaas naman ang presyo ng kamatis.
Batay sa datos ng PSA, bahagyang bumaba sa ₱55.69 kada kilo ang well milled rice mula ₱55.93 noong unang bahagi ng Hulyo at ₱56.15 noong ikalawang bahagi ng Hunyo.
Bumaba rin sa ₱306.16 kada kilo ang presyo ng karneng baboy mula sa ₱307.60 noong unang bahagi ng Hulyo at mahigit ₱337 kada kilo sa parehong panahon noong 2025.
Maging ang presyo ng Bangus ay bahagya ring bumaba sa ₱238.43 kada kilo mula ₱239.52 noong unang bahagi ng Hulyo.
Samantala, tumaas naman sa ₱115.26 kada kilo ang presyo ng kamatis mula ₱97.07 noong unang bahagi ng Hulyo at ₱84.49 noong ikalawang bahagi ng Hunyo.
Ayon sa PSA, ang mga naitalang presyo ay batay sa average retail prices sa buong bansa mula July 15–17.