Photo courtesy of PTV
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang anumang pag-uusap o diskusyon ang Pilipinas at China para sa pag-review ng provisional understanding sa Ayungin Shoal.
Ayon kay DFA Spokesperson for Maritime Affairs Assistant Secretary Rogelio Villanueva, wala pang natatanggap na kahit na anong komunikasyon mula sa Beijing ang DFA para sa anumang posibleng review ng nasabing provisional understanding.
Matatandaang nauna na ring nagbigay ng pahayag si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan hinggil sa posibleng review ng provisional understanding sa Ayungin dahil sa nangyaring insidente.
Nananatili namang matibay ang posisyon ng Pilipinas na wala itong anumang nilalabag sa nasabing provisional understanding.