Asahang hahabarap sa Senate Impeachment Court ang dalawang dating aides ni VP Sara Duterte na direktang humawak at nag-encash ng P612.5 milyong confidential funds ng OVP at DepEd.
Kabilang dito sina dating Special Disbursing Officers Gina Acosta (OVP) at Edward Fajarda (DepEd) .
Maalalang batay sa mga naunang testimonya ng LandBank at COA, si Acosta ang nag-encash ng apat na tseke na nagkakahalagang P500 milyon para sa OVP, habang si Fajarda naman ang nagproseso ng tatlong tseke na may kabuuang P112.5 milyon para sa DepEd.
Muling iginiit ng House prosecution team na hindi pwedeng iwasan ng Bise Presidente ang pananagutan sa usapin kahit sina Acosta at Fajarda ang mismong nag-encash ng pera.
Anila may accountability ng head of Agency at si VP Sara ang nakapirma sa mga dokunento ag.
Binigyang-diin ni Manila Rep. Joel Chua na ayon sa mga patakaran ng COA, ang pinuno pa rin ng ahensya—na si Duterte noon sa OVP at DepEd—ang pangunahing responsable sa mga pondo.
Ipinaliwanag ni House trial spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong na nakatatak ang pirma ni Duterte bilang approving authority sa lahat ng physical plans, disbursement vouchers, at utilization reports.
Hindi anya makatarungang na ang mga disbursing officer lamang ang habulin ng COA dahil sumusunod lamang ang mga ito sa utos ng pamunuan.
Inaasahan ding magpapatuloy sa pagtestigo ang COA Supervising Auditor na si Celine May Del Campo kasabay ng pagharap nina Acosta at Fajarda sa impeachment court.