Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert status sa Visayas Grid mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ngayong August 6.
Ayon sa NGCP, umabot sa 2,424 megawatts ang available capacity ng Visayas Grid, habang naitala sa 2,279 megawatts ang peak demand.
Samantala, nasa limang power plant naman ang kasalukuyang naka-forced outage, habang 14 na iba pa ang tumatakbo sa derated capacities, na nagresulta sa kabuuang 1,046.8 megawatts na hindi magamit ng grid.
Isa sa mga dahilan ng pagpapalawig ng Yellow Alert ang pagtaas ng forecasted demand ng 109 megawatts.
Ang Yellow Alert ay ipinatutupad kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.