Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikaapat na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Full Meeting ng 20th Congress.
Sumasalamin ito sa kahalagahan ng pagtutulungan ng Ehekutibo at Lehislatura sa pagsusulong ng mga repormang magpapalakas sa ekonomiya, magpapahusay sa pamamahala, at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.
Tinalakay sa pulong ang priority bills na target maipasa bago matapos ang June 2027.
Nagpanukala si Pangulong Marcos sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng pansamantalang pagsuspinde ng pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Republic Act No. 12001), upang maiwasan ang karagdagang mga gastos sa ari-arian para sa mga negosyo, suportahan ang mga pamumuhunan, at tiyakin ang dahan-dahan at makatwirang transition patungo sa bagong valuation system.
Muling pinagtibay ng LEDAC ang iisang direksyon ng Ehekutibo at Kongreso sa pagpapatupad ng mga prayoridad na repormang magpapalakas sa ekonomiya, magpapahusay sa serbisyo ng pamahalaan, at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa bawat Pilipino.