Tumugon si Communications Usec. Claire Castro sa patutsada ni Vice President Sara Duterte na dapat siyang maging professional sa kanyang pananalita bilang tagapagsalita ng Malacañang.
Ayon kay Castro, ang tunay na propesyonal ay nakikita sa gawa at hindi lamang sa salita.
Bilang Palace Press Officer aniya, mandato niyang ipabatid sa publiko ang mga programa ng pangulo at ng administrasyon at ituwid ang mga maling impormasyon.
Dagdag pa ni Castro, tumutugon lamang siya sa mga aniya’y walang basehang akusasyon laban sa administrasyon.
Si VP Sara aniya, sa halip na sagutin ang kaniyang mga pahayag, mas pinipili na mamersonal at manira nang walang basehan.
Kaugnay nito, ipinunto ni Castro na ang isang lider ay dapat na nananatili sa bansa sa panahon ng kalamidad, sumusunod sa batas, hindi gumagamit ng dahas, at humaharap sa mga akusasyon sa pamamagitan ng ebidensya.