Pumalo na sa 60,394 na pamilya, o katumbas ng 215,074 indibidwal sa Rehiyon Uno, ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng enhanced Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong Luis at Maymay.
Batay sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 (RDRRMC1) na inilabas ngayong Lunes, August 10, 2026, pinakamarami ang naitalang apektado sa Pangasinan, na may 45,312 pamilya o 167,397 katao.
Sinundan ito ng La Union na may 10,036 pamilya o 31,982 katao; Ilocos Sur, 3,464 pamilya o 9,267 katao; at Dagupan City, 1,582 pamilya o 6,428 katao.
Batay pa rin sa ulat, kasalukuyang nananatili sa 27 evacuation centers ang 210 pamilya o 623 katao, habang 157 pamilya o 519 katao naman ang nabigyan ng serbisyo sa labas ng evacuation centers.
📸 KAIBIGAN Battalion