Umabot na sa 13 ang bilang ng napaulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay at pinalakas na Habagat.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bilang na ito, nasa pito ang napaulat na nasawi sa Benguet, tatlo sa Rizal at tatlo sa Batangas.
Samantala, 14 ang naitalang nasugatan at siyam naman ang nawawala dahil sa epekto ng masamang panahon.
Kabilang sa mga insidente ang landslide, rockslide, malakas na agos ng tubig, vehicular accident, pagkakuryente at pagkalunod.
Sa ngayon, patuloy naman ang monitoring at validation ng NDRRMC sa mga naiulat na casualties sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Habagat.