Pormal na umupo sa pwesto si LtGen Donald Gumiran bilang ika-68 Commanding General ng Philippine Army.
Ito ay matapos ang isinagawang Change of Command Ceremony sa Fort Bonifacio sa Taguig City na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Gumiran na kabilang sa magiging sentro ng kaniyang pamumuno ang pagpapaigting ng kahandaan laban sa external security threats.
Binigyang-diin din ng Army Chief ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas sa contingency plans, training, military exercises, at evaluations upang mapanatiling handa ang Philippine Army sa pagtugon sa anumang banta.
Samantala, kabilang sa mga tututukan ng Philippine Army ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre, partikular ang mga hakbang para matiyak ang ligtas at mapayapang pagdaraos ng halalan.
Si Gumiran ang kapalit ni Gen. Antonio Nafarrete na itinalaga naman bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. | ulat ni Diane Lear