Nagbabala ang House prosecution panel sa special disbursing officer ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na maaari silang maharap sa kasong perjury kapag nagbago ang kanilang salaysay sa sandaling humarap sila sa witness stand ng impeachment trial.
Nakatakdang tumestigo ang mga dating special disbursing officer (SDO) na sina Gina Acosta ng OVP at Edward Fajarda ng DepEd para article 1 o misuse of confidential funds.
Maaalalang nauna nang humarap sina Acosta at Fajarda sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng confidential funds at nagbigay ng kani-kanilang pahayag kung paano ibinigay ang pondo sa mga security officer.
Ayon kay legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. ang pagharap nila sa Senate impeachment court ang magsisilbing pagsubok sa kanilang mga lumang salaysay laban sa mga dokumento at testimonya ng mga testigo mula sa Commission on Audit (COA).
Binigyang-diin ni Tolosa na mas mabigat ang implikasyon nito dahil kapwa binitawan nila ang kanilang salayasay under oath.