Photo courtesy of DOST-PAGASA Facebook
Kinansela ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang Stargazing at Telescope Viewing Activity bukas, August 13 sa PAGASA Astronomical Observatory sa UP Diliman, dahil sa masamang panahon.
Ayon sa ahensya, magpapatuloy ang epekto ng Habagat sa malaking bahagi ng Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan.
Sinabi ng PAGASA na hindi angkop ang kondisyon ng kalangitan para sa telescope viewing at stargazing.
Maaari ring malagay sa panganib ang mga bisita, tauhan, at kagamitan kung itutuloy ang aktibidad.
Magsasagawa muli ang PAGASA ng stargazing activity kapag bumuti na ang lagay ng panahon.
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling ligtas at subaybayan ang mga opisyal nitong weather advisory.