Nagbaba ng dalawang proklamasyon ang Malacañang na nagdedeklara ng special non-working day sa munisipalidad ng Pampanga at Masbate.
Sa bisa ng Proclamation No. 1386, ang August 27 ay idineklarang special non-working day para sa munisipalidad ng Minalin, Pampanga upang bigyang-daan ang selebrasyon ng 412th Founding Anniversary nito.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1387, idineklara ang August 14 bilang special non-working day sa munisipalidad ng Pio V. Corpus, Masbаte, upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Limbuhan Festival.
Pirmado ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang mga proklamasyon, ikaanim ng Agosto, 2026.