Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nito papayagan ang Estados Unidos o anumang bansa na gawing base o maglungsad ng offensive actions mula sa Pilipinas, sa oras na magkaroon ng pag-atake o pananakop sa Taiwan.
Sa isang pahayag, sinabi ng pangulo na labag kasi ito sa mga hakbang ng bansa, na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
“𝑻𝒉𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔 𝒉𝒂𝒔 𝒏𝒐 𝒅𝒆𝒔𝒊𝒓𝒆 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒍𝒍𝒊𝒈𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏. 𝑾𝒆 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒏𝒐 𝒊𝒏𝒕𝒆𝒓𝒆𝒔𝒕 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕. 𝑨𝒍𝒍 𝒘𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒆𝒅 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒇𝒆𝒏𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒕𝒆𝒓𝒓𝒊𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒂𝒊𝒏𝒕𝒆𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒕𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏.” -Pangulong Marcos.
At mas nakatutok aniya ang Pilipinas sa depensa at teritoryo nito, at ang mga ganitong inisyatibo ang mas sinu-suportahan ng pamahalaan.
“𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔 𝒊𝒔 𝒄𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒆𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒆𝒏𝒕 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒑𝒓𝒐𝒎𝒐𝒕𝒆. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒆𝒏𝒅𝒐𝒓𝒔𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒖𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕,” dagdag ng punong ehekutibo.
Sabi ng pangulo, ang pagpayag sa anumang bansa na gamitin ang mga base o teritoryo ng Pilipinas para sa pag-atake ay magpapawalang bisa lamang sa mga polisiya at mga hakbang na nauna nang ipinatupad ng Pilipinas sa loob nang maraming taon.
“”𝑺𝒐 𝒕𝒐 𝒂𝒍𝒍𝒐𝒘 𝒂𝒏 𝒂𝒕𝒕𝒂𝒄𝒌 𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔 𝒊𝒔 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒓𝒂𝒓𝒚 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒑𝒐𝒍𝒊𝒄𝒚. 𝑺𝒐 𝒘𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒔𝒕𝒊𝒄𝒌 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒑𝒐𝒍𝒊𝒄𝒚, 𝒘𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆 𝒅𝒐 𝒊𝒔 𝒘𝒐𝒓𝒌 𝒉𝒂𝒓𝒅 𝒕𝒐 𝒎𝒂𝒊𝒏𝒕𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒕𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏.” -Pangulong Marcos.