Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinatawan ng Palafox Associates at Palafox Architecture Group, Inc. upang talakayin ang panukalang Comprehensive Urban, Environmental, Infrastructure, and Economic Development Master Plan para sa Ifugao Rice Terraces at mga karatig na komunidad.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatuon ang panukala sa pangangalaga ng kulturang Ifugao at pagpapaunlad ng turismo.
Bahagi ito ng isang mas malawak na plano para sa sustainable development ng lugar.
Kabilang dito ang pagpapanatili ng rice terraces, at tradisyunal na kaalaman at pagsasaka.
Gayundin ang pagpapalakas ng kabuhayan ng mga magsasaka at katutubong komunidad, maging ang pagsusulong ng community-led tourism upang mas mapakinabangan ng mga lokal ang turismo.
Sa ilalim ng panukala, pag-uugnayin ang heritage conservation, agriculture, tourism, infrastructure, environmental protection, at climate resilience upang mapangalagaan ang mahigit 2,000 taong pamana ng Ifugao habang naglalayong lumikha ng mas maraming oportunidad at kabuhayan para sa mga komunidad na siyang tagapangalaga nito.