Nagsimula na ang paglikas sa mga residente sa low-lying areas sa Parañaque City ngayong hapon ng August 17, 2026.
Ito ay alinsunod sa heavy rainfall warning o Red Rainfall Alert na inilabas ng PAGASA para sa Metro Manila.
Inilabas naman ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang utos kaninang 1:00 ng hapon kung saan inuutusan ang lahat ng Barangay DRRM Committee na tukuyin ang evacuation centers at alamin ang mga kailangan ilikas.
Magpapatupad naman aniya ng forced evacuation and CSWDO, City DRRM, PNP at BFP kung magtutuloy-tuloy ang heavy rainfall warning ng PAGASA
Wala pa namang napapaulat na baha sa Parañaque at madadaanan lahat ng kalsada pero ang preemptive evacuation ay bilang pag-iingat sa mga residente na nakatira sa mababang lugar sa lungsod.