Mahigit 5.39 milyong poor, near-poor at low-income households na ang nakatanggap ng ₱2,000 UPLIFT Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, nasa 73% na ng target beneficiaries ang nabigyan ng ayuda, habang umabot na sa ₱10.791 bilyon ang na-disburse.
Kabilang dito ang 3.2 milyong benepisyaryo ng 4Ps at Walang Gutom Program na nakatanggap ng one-time ₱2,000 top-up.
Samantala, 1.39 milyong poor at near-poor households sa Group 2 ang nakatanggap na ng kanilang July assistance.
Nasa 802,216 low-income SSS members naman sa Group 3 ang nakatanggap ng unang buwanang ₱2,000 cash assistance. Layunin ng UPLIFT Assistance na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo bunsod ng energy emergency na dulot ng kaguluhan sa Middle East.