Passable o ligtas nang madaanan ng mga motorista ang mga major road sa mga lungsod ng Parañaque, Taguig at Makati.
Batay sa abiso ng mga lokal na pamahalaan, as of 3:00 PM, madadaanan ang lahat ng major road sa Parañaque City.
Sa Taguig City naman, wala ring nakitang baha sa mga kalsada as of 12:30 PM, kaya ligtas nang madaanan ang mga ito.
Sa Makati City naman, all roads ay passable as of 12:00 PM matapos makaranas ng pagbaha kaninang umaga. Abiso naman ng mga LGU sa mga residente na manatiling updated at alerto at, kung maaari, ay huwag nang lumusong sa baha upang manatiling ligtas.